魔镜歌词网
魔镜歌词网 > 欧美歌手 > The Mabuhay Singers > Maligayang Araw > Masaganang Kabukiran

The Mabuhay Singers



歌词
专辑列表
歌手介绍

The Mabuhay Singers

Masaganang Kabukiran

Halina sandali
at limutin ang himutok
Ang mga mata'y itanaw
Sa mga luntiang bundok
At sa bukid mo langhapin
Ang hanging malamyos
na sing linis ng pagsintang
'di ko matanos

Ang mga pipit sa galak
ay nag-aawitan
Ang ibig sabihin,
kay sarap mabuhay!
Kung maralita man ikaw
at salat sa yaman
ang ginhawa mo'y narito
sa kabukiran

Tatalun-talon, iindak-indak
ang tubig sa batis
Kung pigilin mo'y pipiglas-piglas
tulad ng pag-ibig

更多更详尽歌词 在 ※ Mojim.com 魔镜歌词网
at tuloy pa rin ang pipit sa pag-awit
sa mga pook na ito'y walang hapis

Pupunday-punday ang maninipis
na dahong kawayan
Sasayaw-sayaw sa nagdaraang mabangong amihan
o ako'y iyo sinta habambuhay
sa gitna nitong masaganang kabukiran

Tatalun-talon, iindak-indak
ang tubig sa batis
Kung pigilin mo'y pipigla't-pigla't
tulad ng pag-ibig
at tuloy pa rin ang pipit sa pag-awit
sa mga pook na ito'y walang hapis

Pupunday-punday ang maninipis
na dahong kawayan
Sasayaw-sayaw sa nagdaraang mabangong amihan
o ako'y iyo sinta habambuhay
sa gitna nitong masaganang kabukiran